Alam kong magsasawa ka sa babasahin mo. Pero pagtiyagaan mo, malamang may mapulot kang bago. J
Masasabi kong hindi nasayang ang ikalawang sem ko sa pamantasan. Kagaya noong isang sem, hindi ako na-late, at hindi rin naman ako umabsent (YEHESSS!!!). Oo, ang yabang ng dating ko dito, pero yun lang kasi ang maipagmamalaki ko.
Ito lang, kasama ang isandaang kataga pang susunod, na naglalaman ng mga bagay-bagay na natutunan, naranasan, nadiskubre at tumatak sa isip ko ngayong sem.
(Ibang gimik naman, last sem kasi ay puro pasasalamat sa professors ko ang ginawa ko.)
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Magbigay ng isandaang kataga.
“Ngayong second sem, na-realize ko…”
1. Na nakatipid ako sa blue books dahil lahat – oo, LAHAT – ng teachers ko sa lahat ng subjects ko ay nagprovide ng answer sheets at blue books sa bawat exam ko;
2. Na kahit nakatipid ako sa blue book ay di pa rin naman ako tunay na nakatulong sa environment dahil umabot yata ng isang ream ng bond paper ang pina-photocopy kong handouts at printed materials (papers, supplementary exercises, ppt handouts) (e yung novel ko pa lag sa HUM1 ay umabot na ng Php 87.50, tapos ang mga handouts ko sa SOC10 ay hindi rin naman kakaunti);
3. Na masyado akong maarte dahil G-Tec pa ang gamit kong panulat;
4. Na saksakan ako ng arte dahil tuwing mage-exam kami sa MATH11 ay kailangan kong bumili ng bagong refill ng G-Tec kahit hindi pa ubos ang tinta ng una kong refill (dahil naniniwala akong babagsak ako kapag hindi ako bumili ng bago);
5. Na napaka-careless ko dahil yung apat na refills ng G-Tec na binili ko ay hindi ko man lang na-maximize (dahil hanggang kalahati lang lagi ang nagagamit ko at hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-said ang tinta);
6. Na nagta-top ako sa exam pag G-Tec ang gamit kong ballpen;
7. Na hindi ako papasa sa exam kapag hindi ako naghugas ng pinagkainan namin isang gabi bago ang isang exam ko;
8. Na sobrang mapamahiin ako dahil bukod sa mga nakasulat sa itaas, naglalagay ako ng notebooks, reviewers at libro sa ilalim ng unan ko isang gabi bago mag-exam para ‘ma-absorb’ ko ang nilalaman ng materials na iyon;
9. Na kaya kong makasagot sa exam kahit isang oras lang ako nag-review;
10. Na pwede akong makakuha ng mababa sa exam kahit na pinagpuyatan ko iyon;
11. Na ang dapat na kasunod ng MATH11 ay brunch McDo;
12. Na hindi lang sa McDo dapat mag-brunch (dahil may KFC pa);
13. Na kung araw-araw kang magma-McDo at KFC ay tataba ka nga;
14. Na sa halagang Php 30 pababa ay mabubusog ka na (3 siomai, kanin, at house water na ang pinakamura kong tanghalian; ito yung tinatawag na ‘tipidity’)
15. Na ang hot chocolate ng McDO ay… HOT ngang tunay (hahaha);
16. Na ang PE ay nagpapaka-major;
17. Na masarap pala ang kamatis;
18. Na magkaiba pala ang push-ups ng lalaki at babae (napakaengot ko naman);
19. Na nakakatakot ang CR sa Baker Hall;
20. Na nakakadiri ang CR sa Math Bldg.;
21. Na maganda ang CR sa Annex 2;
22. Na mabaho ang CR sa Humanities;
23. Na out of order na pala ang CR sa Annex 1;
24. Na effective mag-advertise sa Hum Steps kung may pangangailangan ka (ex. Kailangan mong makipag-swap ng tickets para sa palabas ng Sandayaw) dahil paniguradong may makikinig sa iyo (nasubukan ko na ‘to!!!);
25. Na masayang mag-people watching sa Hum Steps;
26. Na di dapat mag-people watching sa Hum Steps kung medyo habulin ka ng mga chorva eklavu (dahil paniguradong pupunteryahin ka nila);
27. Na nakakapagod mag-audition
28. Na masayang magsayaw sa Freedom Park (kapag full moon, maraming stars at kakatapos lang mag-Zagu dahil napagod kami sa audition), pero hindi masayang magpagulung-gulong sa Freedom Park dahil makati ang damo doon;
29. Na pwede ka palang magbihis sa Freedom Park (basta’t medyo malapit ka sa mga Doña Aurora at malayo ka sa pathway);
30. Na minsan ka lang talaga makakabili ng rabbit sa Freedom Park;
31. Na magulo ang kwarto nina Jethro (hahahaha!!! Totoo naman!!!);
32. Na mala-Chamber of Secrets ang drama ng CR ng Unit 1 sa Men’s Dorm;
33. Na maraming sampalok sa tabi ng Unit 2;
34. Na mabait naman pala si Kuya Noli;
35. Na may Wi-Fi sa TV area ng Men’s dorm (sabi nga ni Tinay, “WEHHHH???!!!”)
36. Na masustansya ang taho (again, “WEHHHHHH???!!!”)
37. Na nakakaalala pala si Kuya Taho (hindi ko kasi alam ang pangalan niya, pero kahit wala kami sa Math Bldg ay kilala niya kami);
38. Na meron palang “Crib”;
39. Na maganda ang view sa Sizzlers’;
40. Na masarap ang cream puff sa Trisha’s Mom;
41. Na masarap ang sinigang sa SEARCA;
42. Na naging ‘best friend’ ko si Tito Mar nung enrolment;
43. Na, eventually, nakilala na rin ako ni Tito Mar dahil pabalik-balik ako sa window niya nung enrolment;
44. Na mahirap mag-prerog;
45. Na pagkatapos ng prerog ay nagiging masaya na ang buhay;
46. Na masaya ang PSY1 (coolest class!);
47. Na ang species diversity ay pwede mong matutunan kapag kaharap mo na ang multicolored Nips;
48. Na sa NASC4 lang ako nagkaroon ng ‘short-term crush’ in the truest sense (oo, iba’t-iba pang classifications ang crushes);
49. Na marami na pala akong nasirang payong;
50. Na mas mura ang magpagawa ng payong kaysa bumili ng bago;
51. Na marami palang nagtatagong ibang kainan sa Umali Subd. (gaya ng Joe’s at Plato);
52. Na hindi ko man lang nagamit ni minsan ngayong sem ang library card ko;
53. Na limang oras lang ang nagamit kong free internet;
54. Na maraming horny frogs pag December (lalo na sa may BioSci!!!);
55. Na ang MATH2 ay praktikal kunin at applicable sa lahat ng fields;
56. Na nasayang lang ang pagtayo ko sa may Hum nung Oblation Run dahil, *ehem* wala rin naman akong nakita (dahil matatangkad sa akin ang mga nasa unahan ko);
57. Na wala pala akong klase sa PhySci;
58. Na minsan, siniswerte ka lang sa seatmates mo;
59. Na masaya pala ang matchstick problems;
60. Na di dapat katakutan ang MATH11, kundi dapat itong paghandaan nang mabuti;
61. Na malakas ang power of suggestion;
62. Na pag inisip mong babagsak ka sa exam ay babagsak ka nga;
63. Na “Om Shanti” lang ang katapat ng MATH11 midterms;
64. Na masaya pumunta sa IRRI;
65. Na napakagaling ng Socio students sa Inter-school competitions;
66. Na once pa lang ako nakasigaw ng “Tunay, Palaban, Makabayan!”;
67. Na pwede kayong magkapareho ng suot ng crush mo;
68. Na pwede mo palang maging classmate ang childhood friend mo na ilang taon mo na ring hindi nakikita;
69. Na “there’s no such thing as a study group”;
70. Na ma-trapik pag Friday ng hapon;
71. Na masarap – NAPAKASARAP – matulog sa jeep;
72. Na dati ayaw kong kumain sa mga turu-turo;
73. Na kapag hindi ako kakain sa turu-turo, dalawa lang ang pwedeng mangyari sa akin: a.) ma-bankrupt o b.) magutom;
74. Na minsan masarap mapag-isa sa likod ng Library;
75. Na minsan masarap matulog sa Lib (de-aircon na ang basement, man!)
76. Na minsan masarap din mag-muni-muni sa AnSci habang nainom ng ChocoMilk;
77. Na maganda mag-pictorials sa Ruins;
78. Na okay rin naman ang Choconanas;
79. Na ang Japanese cakes ay lasang pancakes;
Wait! Eto na, mushy na…
80. Na sa EE Auditorium nag-materialize lahat ng mga pangarap ko nung araw na nag-UPCAT ako;
81. Na mabilis lang talaga ang panahon;
82. Na hindi mo dapat sayangin ang oras sa mga walang kwentang bagay;
83. Na ang pagsali sa isang org ay di dapat padalus-dalos kundi dapat pag-isipan nang mabuti (I learned this the hard way);
84. Na kahit wala pa akong org ay masaya ako;
85. Na kahit bumagsak ako sa exam ay keri ko pa ring tumawa;
86. Na pag pumasa ako sa exam ay pwede akong mapaiyak;
87. Na may personal cheerleaders ang bawat isa sa katauhan ng mga kaibigan natin;
88. Na kahit maraming tao sa paligid mo, iilan lang talaga yung mga taong magpapasaya sa iyo;
89. Na kahit hindi mo nakikita ang isang tao ay lagi lang siyang nandyan (Object Permanence?);
90. Na kayang magbago ng isang tao sa isang iglap;
91. Na pwede kang ma-in love sa isang Segundo;
92. Na pwedeng mawala ang interes mo sa isang bagay/tao/pangyayari sa isang minute;
93. Na sa isang maling galaw ng ballpen mo ay pwedeng masira ang exam mo;
94. Na ang taong tutulong sa iyo ay nasa tabi-tabi lang;
95. Na ang taong katabi mo ngayon ay pwedeng maging mortal na kaaway mo na bukas;
96. Na ang pagsisinungaling ay walang kulay, walang black at walang white lies;
97. Na ang bawat salitang lalabas sa bibig mo ay maaaring makasugat sa isang tao;
98. Na ang mga sugat na ‘yon ay pwedeng hindi maghilom;
99. Na ang mga problema, ayon sa MATH2, ay “opportunity for improvement,”
At… Sa wakas… eto na talaga.
100. Na ang buhay ng tao ay puno ng choices at decision-making; nasasa-iyo kung gusto mong sumaya o maging miserable habambuhay, at pwede mo ring piliing sumaya kahit marami kang pinagdaanang lungkot. In the end, IKAW PA RIN ANG PIPILI. – paraphrased version of Ma’am Cerezo’s parting words